Jojo Flores: Dating Star Circle Quest winner balik-showbiz

June 30, 2020
Jojo Flores and Monica Moina
Jojo Flores and partner Monica Moina

MINSAN nang sinubukan ni Jojo Flores ang pumasok sa showbiz through a talent search. Ka-batch siya ni Sandara Park sa Star Circle and may potential siya to be a bigger star but for some personal reasons, he opted a different direction. Nag-abroad siya at doon nagtrabaho bilang chef. Nang bumalik sa Pilipinas ay mas napunta siya sa pagpapatakbo ng isang talent and casting agency. Si Jojo at ang partner niyang si Maricar Moina ang may-ari ng Jams Artist Production na ang flagship project ay ang sikat na Jams Top Model Philippines.

Aminado si Jojo na nang magkaroon ng health crisis at pandemic ay naapektuhan ang kanilang kumpanya. They supply talents to various TV shows and film production and since nagkaroon ng lockdown, natigil lahat ng shooting at live events. Marami nga daw sa mga talents nila ang naiyak dahil karamihan ay freelancers na nabubuhay lamang sa paraket-raket.

Kaya naman nag-isip sila ng iba’t ibang paraan kung paano matulungan ang kanilang mga talents and models. Nakipag-ugnayan ang agency nila sa iba’t ibang production team para makabuo ng projects. In a surprising turn of events, hindi lang ang talents nila ang magkakaroon ng project kapag nagsimula na ang mga shooting at taping. Pati si Jojo ay mukhang magbabalik showbiz pa dahil nakuha siya for 2 projects- isang local and isang international.

According to Jojo, puro online audition na daw kasi ngayon ang ginagawa ng mga production team. And since may lockdown nga, nagkaroon siya ng panahon na mag-diet at mag-exercise.

“For three months, nag-work out talaga ako. Yun ang ginawa kong panlaban sa boredom. Saka para di na din ako ma-stress sa kakaisip kung ano na ba ang mangyayari after ng lockdown. Minabuti kong mag-exercise na lang,” paliwanag niya.

Noong una nga daw ay nagbibiro lang siya na susubok uli sa showbiz kaya nag-work out siya. Pero nung tumagal ay na-inspire siya at nang magkaroon ng casting call for a project, nagpadala siya ng video audition at natanggap. Hindi nga daw siya makapaniwala.

“Wala pa namang exact date kung kelan magsisimula pero masaya na ako sa thought na nagbunga yung pagtitiyaga ko.”

Habang wala pa ang shooting, tinututukan na muna ni Jojo with his partner Maricar ang kanilang talent agency. If there’s one thing daw na narealize niya during the pandemic, yun ay ang hindi mawalan ng pag-asa at magtiwala lang talaga sa Diyos.