Joross, ‘happy pill’ ni Sharon

November 26, 2018
Sharon Cuneta & Richard Gomez

“Happy pill” ang tawag nina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Joross Gamboa na kasama nila sa Star Cinema movie na Three Words to Forever. Sabi pa ni Sharon, “Joross contributed so much sa pagiging happy ng movie na ito” at dagdag ni Sharon, kung ibang artista ’yun, iba ang delivery ng punch lines.

Sa presscon ng Three Words to Forever pinuri at pinasalamatan nina Richard at Sharon si Joross, ni-record at pinost ’yun ni Joross sa Instagram (IG) at ang sabi, “Sorry pero kailangan ko irecord eto kasi baka ma edit out pa at di mapanood ng mga magulang ko at asawa ko hahaha. Sobrang kinilig ako sa mga sinabi ni Ate @reallysharoncuneta at Mayor @richardgomezinstagram dito. It is such an honor to be working with you guy. Sarap kasama syempre lalo na kapag buo tayo with @bernardokath my sister na naging anak anakan ko. Plus Tito Freddie Tita Liza and my new found brother @tommyesguerra. WE ARE A FAMILY!”

Sumagot si Sharon ng, “Really, Joross, you have been my “HAPPY” all throughout our filming. And isusulat ko na rin dito na guapo ka, maganda pa. God bless you, your beautiful wife and your family always!”

Showing na simula bukas, November 28, ang Star Cinema movie sa direction ni Cathy Garcia-Molina.