Joshua gusto nang magpatayo ng bahay

February 09, 2019
Joshua Garcia
Joshua Garcia

MALAYO na ang narating ng ex-PBB housemate-turned-singer-actor and celebrity endorser, ang 21-year-old na si Joshua Garcia sa loob lamang ng apat na taon matapos siyang lumabas sa “Pinoy Big Brother: All In” in 2014. Nasa pangangalaga siya ngayon ng Star Magic ng ABS-CBN.

Nakapag-impok si Joshua at nakabili na ng townhouse para sa kanyang pamilya. Pangarap din ni Joshua na makapagpatayo na isang malaking bahay for his family.

Unknown to many, si Joshua ay dating miyembro ng isang cultural dance group in Batangas, ang Sining Kumintang.  Mahilig din siyang kumanta at mag gitara at maglaro ng basketball.

After PBB: All In, napanood si Joshua sa teleseryeng “Nasaan Ka nang Kailangan Kita” in 2015 at ito’y sinundan ng “The Greatest Love” na pinagbidahan ni Sylvia Sanchez.

Nabuo naman ang kanilang loveteam ni Julia Barretto nang gawin nila ang hit movie na “Vince & Kath & James” na naging kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival na sinundan ng “Love You To the Moon and Back”.

Lumutang din nang husto ang husay ni Joshua sa pag-arte sa primetime TV series na “The Good Son” in 2017 na sinundan ng unang TV series nila ni Julia Barretto, ang “Ngayon at Kailanman”  na nagtapos nung January 18, 2019.  Muli ring gumawa ng pelikula ang magka-loveteam at magkasintahang Joshua at Julia, ang “I Love You Hater” kung saan nila nakasama ang controversial host-actress at celebrity endorser-entrepreneur na si Kris Aquino.

Although wala pang sini-share ng bagong project sina Joshua at Julia, nananatili pa rin ang dalawa sa pinaka-most in demand among the young stars at kasama na rito ang pagiging endorser ng iba’t ibang products. Kaya malamang na agad matupad ni Joshua ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng kanyang dream house sa malapit na hinaharap.