Joshua gusto ng ibang lading lady

February 15, 2020

MATAPOS mapanood si Joshua Garcia sa zombie movie na “’Block Z” kung saan niya kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto, nakatuon naman ang pansin ngayon ng young actor sa kanyang bagong movie, ang suspense-thriller movie na “Ang mga Kaibigan Ni Mama Susan,” film adaptation ng 2010 book ni Bob Ong.

Joshua plays the role of a student named Galo at ang 71-year-old na si Angie Ferro ang gaganap sa role ni Mama Susan.

Ang pelikula ay pinamamahalaan ni Chito Rono at co-production ng Regal Entertainment at Black Sheep Productions ng ABS-CBN.

First time na katrabaho ni Joshua si Direk Chito sa “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan”maging ang iba pa niyang mga kasama sa movie including veteran actress Angie Ferro.

Ngayong wala na sila ni Julia Barretto, bukas ang 22-year-old na si Joshua na makatrabaho ang sinumang kapareha o leading-lady tulad ni Janella Salvador na nakapareha niya sa nagtapos na serye, ang “The Killer Bride”.