Joshua pinalitan na si John Lloyd

February 13, 2020
Joshua Garcia

TWENTY-one years ago, binulabog ng ABS-CBN at Star Cinema ang madlang pipol dahil sa teleseryeng “Tabing Ilog” na tinampukan ng mga bagong artista noon na sina John Lloyd Cruz (bilang Rovic), Kaye Abad (Eds), Jodi Sta. Maria (George), Baron Geisler (Fonzy), Desiree del Valle (Corinne), Paolo Contis (Badong), Paula Peralejo (Anne), at Patrick Garcia (James).

Hindi lamang sila sumikat nang husto, kundi naging magagaling na artista pa hanggang ngayon.

Kaya hindi kataka-taka na nagkaroon ng matinding request for remake ang well-loved teleserye. Lalong hindi kataka-takang napili ang magagaling ding bagong artista sa henerasyong ito.

Napiling bagong John Lloyd Cruz si Joshua Garcia ngayon bilang Rovic.

Napaka-swerte naman ni Janella Salvador na napiling maging katambal ni Joshua bagama’t sinasabing marami pa siyang kakaining bigas para marating ang kasikatan ni Kaye Abad noon bilang si Eds.

Si Sue Ramirez naman si George, si Yves Flores si Fonzy, si Loisa Andalio si Corrine at si Ronnie Alonte si Badong. Napasama rin sa grupo si Julia Barretto at surprisingly ay leading man niya si Jameson Blake.

Ang tanong: Kung 4 na taon ang itinagal ng unang “Tabing Ilog,” mahigitan kaya ito ng “Tabing Ilog” ngayon?

What do you think?