Joshua tumatamlay ang career?

October 10, 2019
Joshua Garcia

MUKHANG lumalamlam ang bituin ni Joshua Garcia.

Ito ang obserbasyon namin mula nang mabuwag ang tambalan nila ni Julia Baretto. Matatandaan na na-link ang huli kay Gerald Anderson at ito ang diumano'y isa sa dahilan kung bakit nagkahiwalay ang reel at real loveteam.

Hindi maikakaila na nagkaroon ng maraming projects at endorsements si Joshua mula nang mag-click ang JoshLia love team. Nakadagdag ng kilig ang kanilang pagiging mag-dyowa sa totoong buhay. Kaya marami ang kinilig. Pero ito rin ang dahilan kung bakit mahirap ibalik ang dati nilang tambalan kahit "for art's sake" lang. At kahit anong professionalism pa ang pairalin nila, tiyak na maku-compromise ang kanilang personal na relasyon sa trabaho.

Ngayon na humupa na ang kontrobersiya, balik na sa normal ang takbo ng kanyang career. Abala siya sa teleseryeng "The Killer Bride" ni Maja Salvador. Ka-love team niya rito si Janelle Salvador. Pero mukhang hindi mainit na pinag-uusapan ang kanilang tambalan. Sa madaling salita, kulang sa kilig. Ngunit maaga pa para husgahan ang kanilang tandem; lalo na't unang pagtatambal pa lang nila ito.

Pero paano masusundan ang kanilang team-up kung mabagal ang build-up ng chemistry nila bilang love team? Just asking...

Disclaimer:

For reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo