Jowable kumikita sa takilya

September 29, 2019

MASAYA ang Viva group of companies big boss na si Boss Vic del Rosario sa outcome ng pelikulang #Jowable, ang launching movie ng stage singer-actres na si Kim Molina at dinirek ng short film director at book writer na si Darryl Yap nang ito’y magbukas sa mga sinehan last September 25. Tumabo ng P6-M sa takilya ang first day run ng pelikula na inaasahan ni Boss Vic na papalo ng mahigit P100-M sa one-week run nito.

Mahusay na aktres si Kim kaya hindi hindi kataka-taka kung bakit napaka-in-demand nito ngayon maging sa telebisyon.         Kasama si Kim sa dalawang top-rating TV series, ang “Kadenang Ginto” at “The General’s Daughter” na magtatapos ngayong October 4.

Nakatambal din ni Kim si Kit Thompson sa iWant original movie na “MOMOL Nights” and soon ay mapapanood siya sa “Unforgettable” ni Sarah Geronimo na nakatakdang ipalabas sa darating na October 23.

Kim is in a relationship with Kapuso actor-comedian na si Jerald Napoles.