Joy sinagot si Karen

April 14, 2019

Balimbing daw si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Ito ang ipinupukol ng kanyang mga kritiko ngayon na siya ay tumatakbo bilang mayor ng lungsod. Si Joy ang official  candidate ng Hugpong ng Pagbabago, ang political party ng Administrasyong  Duterte, na pinamumunuan ni Davao City Mayor at Presidential daughter Sara Duterte. Matatandaan na dikit ang mga Belmonte sa dating Pangulong Noynoy Aquino. Kaya marahil ito ang dahilan kung bakit siya inaakusahan na balimbing.

Sa nasabing akusasyon, maganda ang sagot ni Joy kay Karen Davila nang mag-guest siya sa Headstart ng ANC. Aniya, siya ay public servant kaya kailangan niyang sundin kung ano ang pulso ng kanyang constituents. Dahil dito, pinatunayan lang ni Joy na wala talagang solid political party system sa bansa. Clearly, she takes  the interest of her constituents as her top priority.

Suportado niya ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga. She heads the city's anti-drug abuse advisory council. At seryoso din siya na ma-achieve na maging drug-free ang lungsod. She may be the youngest daughter of former QC Mayor and now Representative Sonny Belmonte; but, obviously, Joy is on her own league.

Compared to her opponents, she is the David to mayoral bets Bingbong Crisologo and Chuck Mathay, who are both considered to be the Goliaths of Quezon City politics. Kaya kung sa karanasan lang daw ang basehan, mas angat daw sina Bingbong at Chuck kay Joy. But Joy's clean record as Vice Mayor gives her the edge for the contested post. Joy belongs to the new breed of politics.

Sa kasaysayan ng lungsod, si Adelina Rodriguez ang una at tanging babae na naging mayor nito. Mula sa pagiging Joy ng Bayan, siya na rin ba ang magiging Ina ng Quezon City? Just asking...