Home>Entertainment>Showbiz>Joyce kay Juancho: Masyadong gwapo para maging matino

Joyce kay Juancho: Masyadong gwapo para maging matino

Joyce Pring and Juancho Trivino
Joyce Pring and Juancho Trivino

HINDI lang nakakatakam kung hindi kapupulutan din ng relationship advice ang recent Mukbang vlog ng Kapuso couple na sina Joyce Pring at Juancho Trivino.

Game na sinagot ng dalawa ang questions mula sa kanilang followers gaya na lang ng kung kailan daw nila nalamang mahal na nila ang isa’t isa. Pag-amin ni Joyce, “For the longest time, I was pushing Juancho away, ‘di ba, baby? Lagi kong sinasabi, ‘Hindi, ayoko. ‘Wag na,’ ganyan. Tapos ‘noong nagkakaroon na ako ng lakas ng loob na ‘Sige na nga, ita-try ko, malay mo naman, ‘di ba?’ I knew that I was falling in love with him na kasi I was praying about it na. Ang sabi ko kay Lord, ‘Lord, ito na ba ‘yon? Sure ka ba? Parang masyado siyang guwapo para maging matino.”