The Juans gustong makasama si Sarah G

October 22, 2019

MASAYA ang limang young members ng The Juans Band na binubuo ng mga talented musician and composer na sina Carl Gueverra (keyboards and vocals), Japs Mendoza (guitar/vocals), RJ Cruz (acoustic guitar/vocals), Chael Adriano (bass/vocals) at Josh Coronel (drums) dahil pumalo na sa No. 1 on Spotify Philippines’ Viral 50 charts ang kanilang original song na “Hindi Tayo Pwede” na umabot na rin ng mahigit 8 million views sa YouTube.

Ang “Hindi Tayo Pwede” ay kasama sa 6-track album ng grupo na inilabas ng Viva Records late late year na pinamagatang “Umaga”.  Kasama rin sa nasabing album ang mga awiting “Hatid,” “Atin ang Mundo” at ang “Binibini sa MRT” na positibo rin ang pagtanggap ng kanilang mga fans.

Magkababata ang bumubuo ng The Juans na iisa ang passion sa larangan ng musika at naging daan para mabuo ang kanilang grupo.

Bukas din ang The Juans to collaborate with other artists at kasama na rito ang Pop Star na si Sarah Geronimo at Janine Tenoso, who recorded a cover of the song para sa isang movie ng Viva Films.

Although tuluy-tuloy ang mga gigs ng The Juans, looking forward ang grupo sa kanilang first major concert next year.