The Juans naglabas ng inspirational song

April 01, 2020

"MANALANGIN" ang pamagat ng bagong kanta ng The Juans, ang pop band ng Viva Records na naglabas agad  ng isang inspirational song para mabigyan ng pag-asa ang ating mga kababayan na apektado ng Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panahon na nakararanas ng mabigat na pagsubok ang buong mundo, ang manalangin sa Poong Maykapal ang isa sa pinakamabisa na paraan para maging matatag ang lahat.

Original composition ang Manalangin na may powerful message dahil sa lyrics nito na:

Wala na bang magagawa?

Hindi ka ba nagtataka?

Paligid ay tahimik ngunit ‘di payapa

Marami ang nangangamba

Ito ba ay matatapos pa?

Lahat nagtatanong nasan na ang kasagutan

Pano na bukas makalawa?

Pano pag ang hirap ay hindi ko na kinaya?

Pano ba tayo magkakaisa?

Sa panahong malayo sa isa’t isa

Hangga’t may nakikinig sa panalangin

Hindi mawawala ang pag-asa natin

Ikaw at ako babangon tayo

Sama sama lahat ay susulong

Basta’t tayo’y magtutulong tulong

Lilipas din matatapos din ang dilim

Ayon sa The Juans lead vocalist na si Carl Guevarra, minadali nila na mailabas ang Manalangin para magkaroon ng pag-asa ang lahat sa gitna ng panganib na hatid ng coronavirus.

“Sa totoo lang napakarami po nating pwedeng i-comment at i-speculate about COVID-19 but I think it’s definitely  teaching us and reminding us al ot of important things – valuing our health, spending time with our family, the importance of  having savings, and more importantly, the importance of helping and reaching out to others.”

Tulad ng halos lahat ng mga entertainment personality, apektado ng enhanced community quarantine ang kabuhayan ng mga miyembro ng The Juans dahil nakansela ang kanilang mga show mula March hanggang April 2020.

“It’s really a tough time for artists now, especially sa income side. But no matter how challenging times are, we’re making good use of time by creating music and using our gift of music to still be productive and somehow touch people’s lives,” ang dagdag pahayag ni Carl.

Female celebrity pinaghihinalaang positive
ISANG popular female celebrity ang subject ng mga blind item na positive sa COVID-19 dahil nanggaling siya sa isang bansa na marami ang tinamaan ng dreaded virus.

Imposible na hindi alam ng female celebrity na ito ang tinutukoy sa mga blind item pero hangga’t hindi siya pinapangalanan, karapatan niya ang manahimik.

In fairness sa female celebrity, active na active ito sa social media kaya walang mag-iisip na may karamdaman siya tulad nang iginigiit ng ibang mga tao.

In fact, hinihimok ng female celebrity ang kanyang social media followers na makiisa at tumulong para mabilis na masugpo ang pagkalat ng COVID-19.