Juday, Lucy at Ryan, ninang at ninong sa kasalang Iza-Ben

December 19, 2018
Ben Wintle and Iza Calzado

Sobrang panalo ang underwater scene photo na ito nina Ben Wintle at Iza Calzado kuha ni Pat Dy na mabilis dumami ang views at likes.

Habang nagde-deadline, may 56,591 views/likes na ang picture na kuha sa Club Paradise sa Coron, Palawan, ang venue ng kanilang kasal kahapon.

“Can’t wait to begin this adventure with you my love #becomingmrswintle,” ang caption ni Iza sa kanyang post.

Kabilang sa mga bisita ng couple sina Director Mark Reyes at mga kaibigang sina Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri na ang wish ay magkaanak agad sina Ben at Iza.

Wish pa ni Diana, twins ang maging babies ni Iza.

Hindi lang friends, business partners din sina Iza, Karylle, Diana at Sunshine. Sila, kasama si Direk Mark, ang nasa likod ng Sanggre Productions at producer ng movie na mapapanood sa iflix sa February 2019.

Sina Sunshine at Karylle, kabilang sa bridesmaids at kabilang naman sa flower girls si Scarlet Snow Belo.

Guide parents o ninong/ninang sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Lingling King, Noel Ferrer at Cong.

Lucy Torres-Gomez.