Juday, may pressure sa titulong teleserye queen?

August 17, 2019
Judy Ann Santos

MALAPIT nang bumalik sa kanyang sariling teleserye si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Sa ngayon, napapanood si Juday bilang isang psycho serial killer sa "Ang Probinsiyano" ni Coco Martin. Malayo ito sa mga karakter na madalas niyang gampanan sa telebisyon at pelikula. Kaya naman marami ang 'di sang-ayon sa kanyang offbeat role. As Jane in the hit series, the Young Superstar portrays the role to a T. Bagay sa kanya 'yung sweet-sweetan at bait-baitan pero pumapatay. Kaya very challenging ang role dahil sa iba-ibang emotions na ipinapakita niya. Right move ito para sa career niya bilang aktres. At least, may bago sa kanya.

Mula sa pagiging kontrabida, bibida naman siya sa "Starla," ang bago niyang dramaserye sa Kapamilya network. Matagal na rin siyang namahinga sa paggawa ng teleserye. Taong 2013 pa nang huli siyang bumida sa "Huwag Ka Lang Mawawala."At sinubok rin niya ang pagiging reality television host. Her hosting stints include "Junior Master Chef," Bet on your Baby," among other reality shows. Ngayon, abala rin siya sa sariling cooking show na "Judy Ann's Kitchen" sa kanyang YouTube Channel. Proof that Juday remains relevant to these days.

Sa bago nitong teleserye, ano kaya ang bagong aabangan kay Juday? Mapapatunayan niya kaya sa "Starla" na siya pa rin ang Teleserye Queen? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.