Judy Ann 'di makadadalo sa Tokyo filmfest

October 17, 2019

WALONG Filipino films ang kalahok sa ika 32nd Tokyo International Film Festival 2019 na gaganapin sa darating na October 28 to November 5, 2019 in Tokyo, Japan.

Pasok sa TIFF ang MMFF movie nina Judy Ann Santos at Allen Dizon na dinirek ng Cannes International Film Festival Best Director na si Brillante Mendoza, ang “Mindanao” na naging isa sa mga kalahok sa nagtapos na Busan International Film Festival sa Busan, Seoul, Korea.

Kung nakadalo si Judy Ann kasama ang mister na si Ryan Agoncillo sa Busan International Film Festival, nanghihinayang ito na hindi siya makaka-attend sa Tokyo International Film Festival (TIFF) dahil sa kanyang previous commitment sa Dubai para naman sa International Book Fair doon kung saan siya imbitado bilang isa sa mga book author.  Si Juday ay naglabas ng cook book na “Judy Ann’s Kitchen”.

Back home, tuluy-tuloy din ang taping ni Juday ng kanyang bagong primetime TV series, ang “Starla” na kasalukuyang nagi-enjoy ng magandang ratings.