Judy Ann Gladys dating 'magkaaway,' naging best friends

August 18, 2019
Gladys Reyes & Judy Ann Santos

KUNG meron mang pinakamagandang naganap sa dalawang lead stars ng teleseryeng “Mara Clara” nung 1992 na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes, ito ay ang na-develop nilang special friendship sa kanilang halos limang taong serye.

Magkaaway ang respective characters nina Juday at Gladys bilang Mara at Clara, pero naging mag-best friends sila sa tunay na buhay. Kasama na rito maging ang kanilang respective husbands na sina Ryan Agoncillo at Christopher Roxas maging ang kanilang mga anak.

Parehong busy sina Juday at Gladys sa kanilang respective careers but whenever may time ang dalawa ay nagba-bonding sila kasama ang mga bata.

Ang isang 'di makalilimutang nangyari sa pagkakaibigan ng dalawa ay nang sagipin ng mag-asawang Juday at Ryan ang pamilya ni Gladys sa kanilang lumubog na bahay sa matinding baha  sa Vista Verde Executive Homes in Cainta, Rizal dahil sa bagyong Ondoy nung September 2009.

“Kahit hindi kami madalas magkita ni Juday, alam namin sa puso namin na mahal namin ang isa’t isa at mananatili kaming mag-best friends,” pahayag ni Gladys na tulad ng mag-asawang Juday at Ryan ay meron ding sariling restaurant, ang Estela na matatagpuan sa Brick Road ng Sta. Lucia Grand Mall.