Judy Ann at Ryan ’di nakadalo sa kasal ni Iza

December 22, 2018
Iza Calzado and Ben Wintle

OFFICIAL nang Mrs. Ben Wintle ang Kapamilya actress na si Iza Calzado magmula nang sila’y ikasal sa isang beach wedding nung hapon ng December 19 sa Club Paradise, Coron, Palawan.  The couple got engaged in October 7, 2017 after being in a relationship sa loob ng anim na taon.

Malungkot man si Iza na hindi na na-witness ng kanyang yumaong mga magulang na sina Lito Calzado at Mary Ann Uusher ang pinakamasayang moment ng kanyang buhay, feeling ng aktres ay kasama pa rin niya ang kanyang parents dahil sa locket kung saan naroon ang litrato ng mga ito ay nakatali sa kanyang wedding bouquet.   Ang kaisa-isang kapatid ni Iza na si Dash Calzado ang naghatid sa kanya sa altar.

Hindi nakarating sa wedding nina Iza at Ben ang couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bilang bahagi ng mga principal sponsors dahil nasa Amerika ang mag-asawa pero kumpleto ang pamilya ni Ben dahil dumating galing ibang bansa ang kanyang parents na sina Peter at Friday Wintle maging ang mga kapatid ng groom. Naroon din ang malalapit na kaibigan nina Iza at Ben.

Ang three-year-old celebrity child na si Scarlet Snow Belo ay isa sa mga naging Flower Girls.  Si Scarlet Snow ay anak ng mag-asawang celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Jr.

Ang mga close friends naman ni Iza na sina Grace Lee, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zuburi ay kasama sa mga Bridesmaids

Since kakaunti lamang sa mga close friends ng mag-asawa ang dumalo sa kanilang beach wedding in Coron, Palawan, malamang na mag-host din ang newly-wed couple ng wedding reception in Manila tulad ng ginawa noon ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista  gayundin sina Christian Bautista at Kat Ramnani na sa Bali, Indonesia ikinasal.

Ito bale ang first Christmas together bilang mag-asawa nina Iza at Ben na isang Filipino-British businessman.

Sina Iza at Ben ay nagkakilala sa isang event na si Iza ang host at ang common friend nilang si Isabelle Daza ang nag-introduce sa dalawa.  Nagkaroon ng kakaibang sparkle sa dalawa hanggang sa maging sila after two months of dating.