Judy Ann waging best actress sa Cairo

December 01, 2019
Juday Anne Santos

ANG 41-year-old actress na si Judy Ann Santos ang tinanghal na Best Actress sa ika-41st Cairo International Film Festival (Nov. 20 -29, 2019) in  Cairo, Egypt para sa pelikulang “Mindanao” na dinirek ni Cannes’ Best Director na si Brillante Mendoza na siyang ring producer ng pelikula under Centre Stage Productions along with Carlo Valenzona.  Ang nasabing pelikula ay nabigyan din ng award bilang Best Artistic Contribution from the same international filmfest.

Narito ang mensahe ni Juday sa kanyang Instagram account: “Yung nagising ako kaninang umaga na gulat na gulat at taking-taka kung bakit ako kinu-congratulate ng napakaraming kaibigan ko sa text…hindi naman ako buntis, hindi naman ako kasali sa sea games… hindi rin  naman ako nanalo sa lotto.

Mas higit pa pala sa lotto ang napanalunan ko!!! Gusto kong isiping nananaginip lang ako, baka hindi pa ako gising siguro?  In denial pa ako sa simula…pero nung si Direk Brillante na ang nag-test sa akin…unti-unti na kong natauhan at naiyak…grabe! Sa malamang habang tinatawag ang pangalan kko sa Egypt…kasalukuyan kong iniiskoba ang sahig sa kusina ng Angrydobo.

Napakarami at napakalaki ang dapat kong ipagpasalamat sa Panginoon…hindi na natatapos ang 2019, binusog na niya ng sobra ang puso ko sa napakaraming bagong experiences ang binigay niya sa akin…iba’t ibang lugar ang napuntahan ko sa iba’t ibang larangan ng industriyang mahal ko at patuloy kong inaaral.

Maraming maraming Salamat po.  Sa inyong lahat na patuloy na niniwala at nagtitiwala sa aking munting kakayahan bilang artista at kusinera…sa lahat ng kasama kong bumuo ng pelikulang MINDANAO...para sa atin ito guyzzzz….@brillante_mendoza maraming Salamat sa tiwala at pagtitiyaga sa akin…to my launchpad family…malaking parte kayo ng recognition na ito…thank you for supporting me in everything that I want to do and explore…to my angels...Yohan, Lucho and Luna,,,if it weren’t for you guys…mom would’ve had a hard time portraying my character…to my Mom, Kuya and Ate…para sa into `to.  My love…Rye… thank you for always supporting me in everything I do and love…my heart is sooooooo full!! Iba ang Pilipino!!!  MABUHAY ANG PILIPINAS!”

Si Juday ang pangalawang Filipina actress na nakatanggap ng Best Actress award mula sa Cairo International Film Festival (CIFF) which took 24 years bago naulit after Nora Aunor.n 1995 para sa pelikulang “The Flor Contemplacion Story” na dinirek ni Joel Lamangan mula sa script ni Ricky Lee under Viva Films.

Bago ang Cairo International Film Festival ay naipalabas din ang pelikulang “Mindanao” sa 24th Busan International Film Festival in South Korea (Oct. 3 – 12, 2019) maging sa Tokyo International Film Festival ( October 28 – Nov. 6, 2019)nito  where it got raves sa mga nakapanood

Ang “Mindanao” na tinatampukan din nina Allen Dizon at Ketchup Eusebio ay isa sa walong official entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival na inaasahan ding magbibigay kay Juday ng panibagong best actress trophy.  Inaasahan namang si Aga Muhlach ang makakapag-uwi ng best actor trophy para sa local remake ng pelikulang “Miracle in Cell #7” na pinagsasamahan nila ng child star na si Xia Vigor.

Ang pagkakapanalo ni Judy bilang best actress sa Cairo at pagkakasali rin ng pelikulang “Mindanao” sa Busan International Film Festival at Tokyo International Film Festival ay magsisilbing advance publicity ng pelikula para sa nalalapit na 44th  Metro Manila Film Festival (MMFF)  na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25 at magtatapos on January 7, 2020.

Samantala, si Juday ay regular na napapanood sa primetime fantasy-drama series na “Starla” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin sa ABS-CBN.