Julia magkaibigan pa rin daw sila ni Joshua

March 13, 2020

HALOS mag-iisang taon na ring hiwalay si Julia Barretto sa kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia pero inamin ng dalawa na magkaibigan pa rin umano sila hanggang ngayon.

Bumati kaya si Joshua sa 23rd birthday ng kanyang ex-girlfriend nung March 10?

Si Julia na rin ang nagsabi last year na apat na buwan na silang break ni Joshua nang ma-link siya sa kanyang co-star sa pelikulang “Between Maybes” na si Gerald Anderson.  Ang nasabing pelikula na dinirek ng writer-director na si Jason Paul Laxamana ay ipinalabas sa mga sinehan nung May 15, 2019.  Buwan naman ng July last year nang sumabog ang hindi inaasahang paghihiwalay ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald at si Julia ang itinurong dahilan bagay na pinabulaanan ng young actress.  Up to this day ay single at loveless pa rin si Julia maging si Gerald gayundin sina Bea at Joshua.

Julia is now living independently from her family at nakatira ngayon sa kanyang ipinatayong bahay.