Julia mapapanood muli

January 25, 2020

ACTION-drama ang tema ng huling afternoon TV series na ginawa ni Julia Montes, ang “Asintado” nung 2018 at mukhang ganito ring genre ang kanyang gagawing bagong teleserye mula sa  Dreamscape Entertainment.

Bago simulan ni Julia ang kanyang bagong serye ay sumasailaim muna siya ng iba’t ibang fight training including firing dahil kailangan ito sa kanyang bagong character na gagampanan.

Mahigit isang taon ding hindi napanood si Julia sa telebisyon. Dahil dito, iba’t ibang espekulasyon ang naglabasan at kasama na rito ang kanyang pagsilang umano ng first baby nila ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin nung isang taon na hanggang ngayon ay hindi pa rin dini-deny nor kinu-confirm ng dalawa.  Pero kung anuman ang totoo rito ay lalabas din naman ang katotohanan kung ito’y fake news o hindi.

Meanwhile, excited ang fans and followers ni Julia dahil mapapanood na naman nila ito sa isang bagong teleserye.

Still on Julia, marami ang nagsasabi na bumagay sa kanya ang kanyang short hair ngayon at lalo siyang bumata sa kanyang hitsura.

Samantala, kailan kaya aamin sina Coco at Julia tungkol sa estado ng kanilang relasyon?