Julia moving on, gusto nang magsarili

September 23, 2019
Julia Barretto

TULAD ng kanyang elder (half) sister na si Dani Barretto-Panlilio, vlogger na rin ngayon ang Kapamilya actress na si Julia Barretto na nagsimula last Saturday, September 21.  Although hindi pa namin nakikita ang YouTube channel ni Julia, malamang na naikuwento niya sa kanyang vlog ang kanyang paglipat sa ipinatayong bahay where she will be living independently from her mom na si Marjorie Barretto and younger siblings na sina Claudia, Leon at Erich.

Sa kabila ng matinding pinagdaana ni Julia kung saan siya naipit sa hiwalayan ng dating magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson, Julia is moving on with her life and her career.

May movie siya with her ex-boyfriend na si Joshua Garcia, ang zombie movie na “Block Z” na dinirek niMikhail Red na naghihintay na lamang ng release date.  Meron din siyang sisimulang bagong pelikula plus a new business venture.

Sa halip na mag-dwell on negativity, si Julia ay nakatingin sa positibong aspeto lalupa’t excited siya sakanyang paglilipat sa kanyang bagong bahay at pagsisimula ng bagong business and a new movie project.

Wala rin umano sa immediate plans ni Julia ang pagkakaroon ng bagong boyfriend dahil alam namanniya na ito’y kusang lalapit sa kanya at hindi umanoniya kailangang hanapin.