Julia tahimik pa rin tungkol sa kanila ni Coco

December 12, 2019
Coco Martin and Julia Montes

MARAMI ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring bagong TV assignment ang Kapamilya young star na si Julia Montes considering na nung October 2018 pa nagtapos ang kanyang huling TV series, ang “Asintado”.

In her more than a year of hiatus, may mga lumabas na balita na kesyo nanganak raw ito last March at ang itinurong ama ay ang kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.  Never na nag-deny nor nag-confirm ang dalawa tungkol sa nasabing balita hanggang sa ito’y mag-die down.  Nariyan din ang balita na kesyo nagbakasyon umano si Julia sa family ng kanyang biological dad sa Germany.

Ngayong aktibong muli si Julia sa kanyang social media account, persistent ang kanyang mga fans sa pagtatanong kung kelan daw ba ito babalik sa telebisyon. Bakit hindi raw ito i-guest ni Coco sa kanyang long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” tulad ng kanyang ginagawa sa ibang stars and actors?

Si Julia ay kapanabayan ng isa pang Kapamilya young star na si Kathryn Bernardo sa now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at sabay silang ni-launch sa TV remake ng “Mara Clara” na siya ring nag-launch sa respective career noon nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Julia is now sporting a short hair na bumagay sa kanya.