Julie Anne excited kay Arnel Pineda

May 31, 2019
Julie Anne San Jose

TWENTY-five year-old Julie Anne San Jose returns at the concert scene via her upcoming concert at The Theatre at Solaire on July 20, 2019 entitled “Julie Sings The Divas” to be directed by TV and movie director Louie Ignacio.  Excited na makasama ni Julie as her special guests ang Filipino lead vocalist ng kilalang  American rock band, ang  Journey na si Arnel Pineda with the UP Concert Chorus at ang UP Arco String Orchestra.

Julie had her debut birthday concert at the Music Museum nung May 11, 2013 na pinamagatang “Julie Anne: It’s My Time”.  She also had a sold-out concert at the Kia Theatre (now New Frontier Theater) in November 2016 with the romantic balladeer Christian Bautista, ang “When Julie Anne Meets Christian”.  Prior to this ay nagkaroon ng mini concert ang singer-actress, ang “Spread the Love” sa Stone House Hotel nung April 10, 2011 na sinundan ng kanyang “From the Heart In Cebu” na ginanap sa St. Therese College Auditorium nung February 16, 2017 at sinundan ng kanyang thanksgiving concert nung May 16, 2017 sa Hard Rock Café.

Ang biggest concert so far ni Julie Anne ay ang “Hologram” na ginanap sa MOA Arena nung December 13, 2014.  Nagkaroon din siya ng kanyang 10th anniversary concert na ginanap sa New Frontier Theater (dating KIA Theater) nung May 14, 2016.  She also had concerts in Japan, Los Angeles and San Francisco, California at iba’t ibang key cities ng Pilipinas and collaboration with other Kapuso and Kapamilya artists.  Nung January 17, 2018 ay bumalik si Julie Ann sa Music Museum for her #Julie concert. Also in January 18 ay nakasama niya ang dating Kapuso star na si Regine Velasquez at Christian Bautista sa “3 Stars and 1 Heart” concert sa Cebu, Dagupan and Dubai.  At nung nakaraang January 2019 ay muli silang nagkasama ni Christian Bautista sa “The Sweetheart and the Balladeer” in Iloilo City kung saan din nila nakasama sina Donita Rose, Super Tekla at ang kauna-unahang grand winner ng “The Clash” na si Golden Canedo.

Although singing talaga ang passion ni Julie Anne since she was two years old, pinasok na rin nito ang acting via various TV drama series ng Kapuso network maging sa pelikula.  Huli siyang napanood sa teleseryeng “My Guitar Princess” nung isang taon kung saan niya nakabituin sina Gil Cuerva at Kiko Estrada mula sa direksiyon ni Nick Olanka.