Julie Anne hiwalay na kay Benjamin

November 12, 2018
Julie Anne San Jose

Dahil nagpagupit ng buhok at dahil sa post niya sa Instagram (IG) na “thank u, next” na mula sa title ng song ni Ariana Grande na tungkol sa mga ex-boyfriends at moving on, inisip ng mga nakabasa na break na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Mababasa ang comments ni Barbie Forteza na “yaass” sa post ni Julie at ang iba pang kasama ni Julie sa Sunday Pina-saya. Hindi nag-comment si Marian Rivera, heart emoji lang ang sinulat,

Dahil hindi deretsahang inamin nina Julie at Benjamin ang relasyon nila, hindi rin siguro nila aaminin ang kanilang break up.

Kung hindi kami nagkakamali, more than two years din ang naging relasyon nina Julie at Benjamin.

Anyway, tuloy pa rin ang trabaho ni Julie at patuloy siyang napapanood sa Sunday Pinasaya at Studio 7.