Home>Entertainment>Showbiz>Julie Anne may bagong lovelife?

Julie Anne may bagong lovelife?

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

MUKHANG very inspired ngayon ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose. But we’re not talking about her lovelife kundi ang kanyang music career dahil may isa na naman siyang upcoming single na pinamagatang “Try Love Again.”

May patikim ang multi-award winning singer at songwriter sa kanyang Instagram post tungkol dito na “new track,” kasama ang litrato ng magiging single cover.

Dahil dito, na-excite muli ang fans ni Julie na laging nakaabang sa mga nangyayari sa kanya at miss na miss nang makita siya onscreen. Hindi naman siya nauubusan ng mga bagong handog sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya.

Samantala, pagkatapos ni Benjamin Alves na nakatagpo na ng bagong mamahalin, wala pang nababalitang bagong boyfriend si Julie Anne.

Maraming nagsasabi na bagay talaga sila ni Alden Richards (na libre pa rin), pero kaagad naman siyang naba-bash ng mga umaasa pa ring Alden-Maine Mendoza fans.

So, kanino niya pwedeng kantahin ang “Try Love Again”?

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal