Julie Anne May silver creator award na mula sa YouTube

October 13, 2019
Julie Anne May

AS of this writing, umani na ng  mahigit 176,000 subscribers ang official YouTube channel ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose. Sa kanyang photo sa Instagram, ipinakita niyang hawak-hawak ang Silver Creator Award o tinatawag na Silver Play Button na indikasyon na lumagpas na ng 100,000 ang subscribers niya sa YouTube.

Ayon kay Julie, "I know that this has been a long journey to achieve this milestone. But guys, I can't thank you enough for the love and support. I know that I have been busy and inactive for quite some time. But, I'm still working on some stuff and I promise you that I will be uploading more videos soon."  

Samantala, napapanood si Julie Anne bilang isa sa Clash Masters sa second season ng ‘The Clash’ kasama si Rayver Cruz tuwing Sabado at Linggo sa GMA.