Home>Entertainment>Showbiz>Julie Anne napahanga ang isang Canadian music producer

Julie Anne napahanga ang isang Canadian music producer

Ovela and Julie Anne San Jose
Ovela and Julie Anne San Jose

BILIB na bilib ang Canadian music producer at sound engineer na si Ovela ng YouTube channel na Music Game News sa ipinakitang husay sa pag-awit ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa isa sa “Four The Win” production numbers ng ‘All-Out Sundays.

Kasama ni Julie sa digital performance sina Golden Cañedo, Thea Astley, at Aicelle Santos.

“I’m seriously impressed with the harmonies because they’re doing it digitally. These people are not onstage with her [Julie] so it adds a layer of difficulty and yet they’re harmonizing really well. And the songs are not easy because they’re also belting together,” sabi ni Ovela sa kanyang reaction video.

“Julie Anne San Jose handled that almost seven minutes flawlessly like a pro!,” dagdag pa niya.

Dennis: ‘Walang taong tunay na mabuti o masama’

Dennis Trillo
Dennis Trillo

SA recent interview ng cast ng “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.” ay ibinahagi ni Dennis Trillo na sobrang na-challenge siya sa kanyang role. Aniya, “Na-challenge kami sa roles na binigay sa amin kasi hindi ito ‘yung pangkaraniwan na parang love team na may ordinary na love story. Ito, parang mas ipinakita ‘yung human side ng bawat character, e.”

Pagpapatuloy ni Dennis, “Hindi ko nga masasabi siya na grey, e. Gusto ko sabihin na mas human ‘yung character kasi hindi naman talaga siya mabait. Wala naman talagang taong purong mabait, wala namang purong masama.”

Tampok din sa serye sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos. Napapanood ang “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.” gabi-gabi, ‪9:15 p.m., hanggang ‪October 23 sa GMA Telebabad.

Aiko may nakitang positive sa pandemic

Aiko Melendez
Aiko Melendez

NATAPOS na ang 21-day lock-in taping ng Kapuso Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas.’ Sa Instagram, pinasalamatan ni Aiko Melendez ang buong staff at production. Aniya, “I can’t wait to be home! We all survived smooth and safely our lock-in taping. Salamat to my GMA Kapuso family for looking after our safety and to our PM (Program Manager) Ms. Redgynn Alba for being on the set and making sure we were all taken care of. Yes our Production Manager was with us for 21 days!”

Dagdag pa ni Aiko, “How great life is to be working during this pandemic. Salamat also to our hardworking crew and staff! And to our directors Gina Alajar and Aya Topacio. To my co-actors, thank you, it’s truly a team work. This is it! #PrimaDonnas ang pagbabalik malapit na po.”

Jeremiah sa bahay nag-record ng debut single

Jeremiah Tiangco
Jeremiah Tiangco

SA kanyang sariling bahay ini-record ng The Clash season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco ang kanyang debut single sa ilalim ng GMA Music na ‘Titulo.’

“Bukod sa nadi-discover ko pa po mag-produce, mas lumawak po ‘yung knowledge ko about music, about recording. Sobrang siniksik ‘yung music,” aniya.

Nagpapasalamat din si Jeremiah sa GMA Music’s A&R Manager na si Kedy Sanchez sa paggabay sa kanya sa pag-record ng kanta.

“‘Yung boses ko raw po is andiyan na, ako na lang po bahala kung ano ‘yung gagawin ko sa kanta. Nakakatuwa po, though it’s pop, nabigyan ko po s’ya ng touch of soul,” kuwento pa ng All-Out Sundays mainstay.

Ngayon na mayroon na siyang debut single, nais naman daw ni Jeremiah na tuparin ang kanyang pangarap na sumulat ng sariling kanta. Mapapakinggan ang “Titulo” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.

Mikee at Kelvin 50K agad sa TikTok

Mikee Quintos at Kelvin Miranda
Mikee Quintos at Kelvin Miranda

KAHIT na first time palang magkaka-trabaho sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, hindi maikakaila ang chemistry na mayroon silang dalawa base sa recently uploaded TikTok video mula sa GMA Public Affairs.

Umabot na nga ng higit 50K views at nakakuha ng 6K likes ang video as of this writing. Talagang excited na ang fans at netizens sa upcoming project na pagsasamahan nina Mikee at Kelvin, ang ‘The Lost Recipe’ na mapapanood sa GMA News TV.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal