Julie Anne, Rayver na-challenge bilang kapalit ni Regine

September 11, 2019

ANG “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez-Alcasid ang main host ng maiden season ng reality singing competition ng GMA, ang “The Clash” na nagsimula nung July 7, 2018  kung saan din kasama sina Andrei Paras at Joyce Pring. Tumayo namang mga hurado ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, ang Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas at Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista. The first season produced Golden Canedo as the first grand champion na nakapag-uwi ng P4-M worth of prizes at kasama na rito ng P1-M cash, isang brand new house and lot, build-up contract with GMA Artists Center at iba pa.  The grand finals was held on October 7, 2018 at pagkatapos nito ay lumipat na ng Kampamilya Network (ABS-CBN) si Regine after being with GMA for over 20 years.

Sa second season ng “The Clash” na magsisimula sa ere ngayong September 21, 2019,  64 clashers (contestants) will compete and slowly be eliminated one by one until the new grand champion will be proclaimed sa grand finals night.

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang bagong main hosts ng “The Clash” habang ang tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela naman ang naatasan as journey hosts ng The Clashers.    

Hindi ikinakaila nina Rayver and Julie Anne na malaking challenge ang kanilang pagiging hosts ng “The Clash” considering na isang music icon na si Regine Velasquez ang kanilang pinalitan.

“We feel honored and challenged sa tiwalang ibinigay sa amin ng GMA,” pahayag ng singer-actress na si Julie Anne.

“And we will do do our best to meet their expectation,” susog naman ng dating Kapamilya actor-turned- Kapuso na si Rayver.