Home>Entertainment>Showbiz>Julie Anne ready for a new love?

Julie Anne ready for a new love?

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

MUKHANG handa na ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na pumasok muli sa isang romantic relationship. Sa exclusive interview niya sa 24 Oras, ibinahagi niya ang kasalukuyang estado ng kaniyang love life. “Hindi naman ako naghahanap, e. It’s just around the corner. And kung sino man ‘yung dumating, ‘yung binigay ni Lord, ‘di ba? We are all capable of trying to love again and be loved.”

Ang huling nakarelasyon ni Julie Anne ay ang aktor na si Benjamin Alves na ang girlfriend ngayon ay ang magandang businesswoman, real estate broker na si Chelsea Robato.

Thankful naman si Julie Anne dahil kahit loveless, marami siyang blessing na natatanggap sa trabaho, “I’m still very blessed that despite the pandemic and limited lang ‘yung pwede nating gawin, happy ako na I get to do the things that I love doing like making more music.”

Sa ngayon ay abala muna si Julie sa kaniyang music career at sa pagho-host ng ‘The Clash’ Season 3 tuwing Sabado at Linggo ng gabi at tuwing Linggo ng tanghali sa weekend variety show ng GMA na ‘All-Out Sundays.’

Chariz superhero ang mga security at maintenance personnel noong bagyong Ulysses

Chariz Solomon
Chariz Solomon

PINURI nang husto ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon ang mga security guard at maintenance personnel na tuluy-tuloy ang trabaho kahit sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Post ni Chariz sa Instagram, “Nagliliparan mga gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan mga puno pero nasa labas sila natanggal nila in no time yang mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na yan ng maayos prior bumagsak pa rin). Tapos mas inuna pa nila i-relocate mga sasakyan namin sa safe parking spots kaysa sa safety nila.”

Dagdag pa ni Chariz, “Guys kung meron kayong superhero story kagaya nila manong guards namin, bawi tayo sa kanila. Alam kong trabaho nila ito pero aminin natin, it takes a really good person to brave a storm like that for other people na ni hindi mo kaano-ano. Kindness above all talaga. Thank God for them!”

May bagong baby na inaalagaan si Chariz kaya medyo naging mahirap sa kanya ang makaranas ng ganitong situwasyon.

Anak ni Yorme na si Joaquin kinikilig kay Cassy

Joaquin Domagoso and Cassy Legaspi
Joaquin Domagoso and Cassy Legaspi

SA recent interview ni Joaquin Domagoso sa 24 Oras, inamin niyang kahit magkaibigan sila ni Cassy Legaspi ay kinikilig pa rin siya rito, lalo pa’t si Cassy ang love interest niya sa upcoming GMA Telebabad series na First Yaya.

“I couldn’t look her in the eye sa Zoom. I don’t know, kinikilig ako kahit friends kami,” kuwento ng anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin.

Excited na rin daw siya na magsimula ng lock-in taping para sa serye. “I really can’t wait ’cause like I’ve been waiting for this for like most of my career. Now to see how I can develop my character, where the writers will take it,” aniya.

Bukod kay Cassy, makakasama rin ni Joaquin sa First Yaya sina Sanya Lopez, Gabby Concepcion, Pancho Magno, at Ms. Pilar Pilapil.

Carla ipinagdasal ang mga hayop

KILALANG animal welfare advocate ang Kapuso star na si Carla Abellana kaya naman ikinalungkot niya ang sinapit ng ilang mga hayop sa nagdaang hagupit ng Typhoon Ulysses sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Gamit ang social media, nag-offer ng isang panalangin ang aktres, “Lord, please bless all the animals affected by Ulysses too. They are helpless. I cannot imagine the amount of fear and suffering, especially for those who were left locked indoors, left trapped in their cages or left behind tied up with a chain or leash. How will they survive the cold rain and the flooding?”

Dagdag pa ng ‘Love of my Life’ actress, kung pupuwede lang daw sana ay siya na mismo ang tutulong, “I desperately want to be out there to help. Just like during the Taal eruption early this year. But I can’t this time and I’m having the same kind of anxiety again for the animals. Please send persons to help, them, Lord.”

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal