Kahit may Rayver na, tahasan ang pag-amin ni Janine tungkol kay Tom

March 03, 2019
Janine Gutierrez

TAHASANG  inamin ng Kapuso star na si Janine Gutierrez na isa si Tom Rodriguez sa mga hinahangaan niyang actor sa bakuran ng Kapuso Network at naging fan umano siya nito pati na ni Dennis Trillo nang tumatakbo pa ang kanilang seryeng “My Husband’s Lover” na dinirek ni Dominic Zapata in 2013. "He's in my bucket list," ani Janine sa presscon ng kanyang bagong TV series na "Dragon Lady" na ginanap sa Shangri-La Chinese restaurant sa West Avenue last week.

Ayon kay Janine, parati umano siyang nagmamadaling umuwi ng bahay para mapanood lamang ang “My Husband’s Lover” nina Dennis at Tom kung saan din tampok ang kasintahan ni Tom na si Carla Abellana.  Ngayon ay kapareha na niya si Tom sa bagong TV series sa GMA, ang drama-romance-fantasy na “Dragon Lady” kung saan din tampok na mga bituin sina Joyce Ching, Edgar Allan Guzman, Diana Zubiri, James Blanco, Maricar de Mesa, Odette Khan, Dexter Doria, Lovely Abella, Julie Lee, DJ Durano among others.

Samantala, malabong ma-link romantically sa isa’t isa sina Janine at Tom dahil pareho na silang taken.  Si Janine ay may Rayver Cruz na habang si Tom naman ay may Carla Abellana.