Kapalpakan sa Miss U naulit

December 10, 2019
Gazini Ganados

SOBRANG na-disappoint ang mga kababayan ng kinatawan ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe  na si Gazini Ganados dahil hindi man lamang ito nakapasok sa Top 10.

Pagkatapos, ang kaisa-isang panalo nitong Best in National Costume ay hindi pa maayos na naibigay sa kanya dahil sa kalituhan (na naman!) ng host na si Steve Harvey sa pagbasa sa teleprompter kung saan ang Miss Malaysia ang nabasa niya kahit si Gazini ang unang in-announce at nai-flash ang kanyang larawan as winner.  Magkaiba umano ang nakalagay sa envelope at nakasulat sa teleprompter.

Ang unang kapalpakan ni Steve o ng Miss Universe organization  ay nangyari nung 2015 nang unang i-announce ang Miss Colombia na si Ariadna Gutierrez bilang winner at naiputong na sa kanya ang korona nang humingi ng paumanhin ang American host para i-correct na ang tunay na winner ay si Pia Wurtzbach ng Pilipinas.

Naulit ito sa Miss Philippines (Gazini Ganados) na hindi man lamang nabigyan ng sariling moment para tanggapin ang award na unang napunta kay Miss  Malaysia na si Shweta Sekhon.

Sa pamamagitan ng Twitter account ng Miss Universe na lamang hinabol ang announcement na si Gazini ang tunay na nanalo ng Best in National Costume.

Ang Miss Universe ang pinakamalaki and most prestigious international beauty pageant in the world pero dalawang major fumble na ang nangyari.

Ganito ba ka-unprofessional ang Miss Universe Organization?

Samantala, simula sa susunod na taon ay hindi na hawak ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. na pinamumunuan ng chairman na si  Stella Marquez-Araneta  ang franchise ng Miss Universe  Philippines dahil magiging independent body na ito at pamumunuan ng dating Bb. Pilipinas- Universe 2011 at 3rd runner up sa 2011 Miss Universe na si Shamcey Supsup-Lee as the National Director.