Kapuso actors sumabak din sa military training

July 05, 2019
Matteo Guidicelli

HINDI man tulad ni Matteo Guidicelli na totohanan ang ginawang training bilang member ng Philippine Scout Rangers, sumabak din sa military training ang ilang Kapuso actors. Sila ang cast members ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na mapapanood sa GMA Network.  

Pinangunahan ni Dingdong Dantes ang naturang training sa Tanza, Cavite kasama ang kapwa Kapuso stars na sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Paul Salas, Lucho Ayala, Prince Clemente, at Jon Lucas. Nagkaroon pa sila ng boodle fight na welcome tradition ng ARESCOM o Army Reserve Command na magsisilbing trainers ng cast para sa serye. Sumailalim din sa war fighting training sina Dingdong, Rocco, at Jasmine. Kabilang sa kanilang training ang pag-rappel mula sa taas na 40 ft. at target shooting.

Samantala, sa iba't ibang vehicle at arsenal training naman ang sinubukan ng ibang cast sa pamumuno ni Major General Bernie S. Langub ng AFP (Armed Forces of the Philippines).