Kapuso, Kapatid at Kapamilya ginawang punchline ni Vice

December 03, 2018
Dingdong Dantes & Richard Gutierrez

Mamaya na ang mediacon ng One Great Love at magpapakwento tayo kay Kim Chiu kung paano siya nakumbinse ni Director Eric Quizon na kunan ang bathtub scene nila ni JC de Vera lalo’t wala pala sa script ang eksena.

Nagandahan lang daw si Direk Eric sa bathtub ng yate kung saan sila nagsu-shooting that time at nag-suggest na gawin nila ang eksena bago dumilim.

Pinuri ni Direk Erik si Kim at kahit sa mga reporter na nakakausap, binabanggit ang professionalism at husay ni Kim sa entry ng Regal Entertainment sa MMFF. Pati nga sa socmed account ng director, pinuri si Kim, “I admire you @chinita princess for your passion, dedication and love for what you do! One Great Love on Christmas Day.”

Hindi na kailangang purihin ni Direk Eric sina Dennis Trillo at JC de Vera, ang leading men ni Kim dahil matagal ng alam ng tao na mahusay ang dalawa.

* * *

Teaser pa lang ng Fantastica, natawa na kami lalo na sa eksenang sinabi nina Dingdong Dantes at Jaclyn Jose na Kapuso sila, na sinundan ni Richard Gutierrez sa pagsasabing, Kapuso siya dati, naging Kapatid at ngayon ay Kapamilya na.

Ang sabi ni Dingdong, si Vice Ganda ang nakaisip ng punchline na ’yun na nakakatawa.

Lalo pa kaming natawa nang mapanood ang full trailer ng MMFF entry ng Star Cinema at Viva Films. Sa trailer, mas maraming punchlines si Richard at sabi tuloy ng nakapanood, pwede pala sa comedy si Richard.

Hindi rin naman nagpahuli si Dingdong sa eksenang pinalalayas niya sina Vice at Jaclyn, nakakatawa sina Vice at Jaclyn. Hahaha! 

Speaking of Dingdong, may post siya sa first haircut ni Zia. Nasa vlog ang pagpapagupit ni Zia na sobrang aliw panoorin. 

“Since most of us probably won’t remember the details of our haircut, we decided to document this “ceremonial” activity for our little Letizia. Her reaction was priceless! Watch the full video on this week’s entry to #TheDantesSquad ekek. Just click the link up in my bio, at ayun na!”