Karel nagsilang sa pangatlong anak

June 20, 2019

NAGSILANG na ang singer-actress na si Karel Marquez (32) ng kanyang first baby with businessman husband na si Sean Farinas na isang boy na kanilang pinangalanang Kobe Federico.  Ang husband ni Karel ay big fan ng L.A. Lakers ng NBA basketball team particularly si Kobe Bryant kaya isinunod niya kay Kobe ang first name ng unang baby nila ng kanyang wife.

Si Karel ay may dalawang anak sa kanyang dating karelasyon na si Arman de Guzman na sina Kelly and Kyler.

Karel started dating Sean in January 2012 got engaged nung May 6, 2016 at nung December 1, 2016 ay ikinasal ang dalawa.

Masayang-masaya si Karel, daughter of estranged couple singer-actress Pinky Marquez at Dr. Eduardo Santos sa pagdating ng kanilang first baby ni Sean na siya ring tumatayong ama sa dalawa niyang naunang mga anak.

Si Karel ay nagka-miscarriage in 2017 sa magiging first baby sana nila ni Sean pero muli silang biniyayaan ng panibagong baby kay Baby Kobe.