Karen binuking kung saan nakatira sina Sarah at Matteo

March 10, 2020
Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Vic del Rosario and Karen Davila
Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Viva boss Vic del Rosario and Karen Davila

MABENTA sa public ang mga balita tungkol sa mga artista, lalo na kapag sangkot sila sa mga iskandalo kaya natural lang  na in-accommodate ni Raffy Tulfo si Jerry Tamara, ang close in security ni Sarah Geronimo na lumapit sa kanyang programa para ireklamo ang diumano’y  panununtok si Matteo Guidicelli.

Si Tamara ang nagsimula pero siya rin ang nagtuldok sa isyu matapos tumanggap ng P200, 000.

“Snoopy neighbor” naman ang peg ni Karen Davila nang i-post niya sa social media ang litrato nila nina Sarah at Matteo, kasama ang Viva Entertainment big boss na si Vic del Rosario  na nilagyan niya ng caption na “ Hi kapitbahays at newlywed happiness.”

Ang social media post ni Karen ang dahilan kaya nalaman ng publiko ang condominium building na nilipatan nina Sarah at Matteo na parang nawalan na rin ng privacy dahil sa “scoop story” ng kanilang “nosy neighbor.”

Thankfully, hindi basta mapupuntahan at mapapasok ang current residence ng mga bagong kasal dahil mahigpit ang security personnel ng condominium building na tahanan din ng ibang mga celebrity.