Karla ibinandera ang boyfriend

August 19, 2019
Karla Estrada

ALTHOUGH matagal na ang relasyon ng singer-actress-TV host na si Karla Estrada sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mark Yatco na naka-base sa Amerika, kamakailan lamang ay nakasama ni Karla ang kanyang nobyo sa 2nd anniversary celebration ng District 8 Manila gastropub in Greenhills, San Juan kung saan magkaka-sosyo sina Vice Ganda, Daniel Padilla, James Yap at iba pa nilang mga kaibigan.

Hindi masyadong open ang relasyon ni Karla sa kanyang ka-LDR (long distance relationship) boyfriend lalupa’t hindi naman ito taga-showbiz.

Ayon kay Karla, supportive umano ang kanyang apat na anak sa kanyang lovelife dahil alam nila na masaya siya.