Karma!

January 19, 2019
Gretchen Barretto
Gretchen Barretto

DIREKTA na at matindi ang atakeng ginawa ni Gretchen Barretto kay Kris Aquino sa Instagram live niya nu’ng Biyernes ng gabi.

Bukod sa pagbanggit sa pangalan ni Kris at pagpapahayag ng rason ng galit niya rito, tinawag pa ng aktres na “Abnoy” ang kapatid nitong si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Hirit ni Gretchen, hindi pakisawsaw ang ginagawa niya sa pagkampi sa idinemanda ni Kris na empleyado, si Nicko Falcis.

Matagal na umanong nakikisawsaw si Kris sa buhay niya at hindi siya titigil kahit pa marami ang nagpapatigil sa kanya.

As we all know, may sakit si Kris na autoimmune at nagpapalakas mula sa medical procedures na ginawa sa Thailand kamakailan lamang.    

Ayon sa long-time partner ng negosyanteng si Tonyboy Cojuangco, inaani lang ni Kris ang mga itinanim niya nu’ng nasa poder pa ang pamilya nila.

Binuking din niya ang diumano’y pakikialam ni Kris sa tax case ng isang negosyanteng kaibigan nila pareho kapalit ang pagreregalo nito sa dating TV host ng mga sapatos at bag.

Ani Gretchen, gumawa ng paraan si Kris para mapababa ang dapat sana’y malaking halaga ng tax na babayaran ng mutual friend nila sa gobyerno.

Humingi si Greta ng sorry sa nadawit na pangalan, pero kailangan daw niyang gawin iyon para maging malinaw ang pinanggagalingan ng galit niya kay Kris.

“Nagbabayad tayo ng tax, nagbabayad ka ng tax, nagbabayad rin ako. Hindi naman tayo nakikisawsaw. Ako, hindi nakikisawsaw sa buhay ng ibang tao kung hindi naman nila isinasawsaw ang buhay nila sa akin.

“Many times over, nagsawsaw po ang isang Kris Aquino sa buhay ko.

“Let’s talk about the taxpayers’ money... Hindi ako babanggit ng totoo hangga’t hindi niya aminin ang totoo. Ako naman kasi, I’ve always been transparent. I don’t have reason to lie. I don’t want to lie. It’s easier to say the truth.

“Ladies and gentlemen, ano ba ang sinasabi ng ating pinakamamahal na Drama Queen na si Kris Aquino?

“Ang sinasabi niya, eh, nadamay siya. Hindi po siya nadamay, idinadamay niya ang sarili niya.

“Kung sinasabi niyo na sawsawera ako, mas sawsawera siya.

“Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung hindi niya isinawsaw ang kanyang buhay sa aking buhay. Ako po ay nananahimik, matagal na.

“When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over.”

Patuloy ni Gretchen, “So, I’d like to tell the truth, ako naman honest. Sila po ang pinag-uusapan natin.

“Ang sa akin kasi, I didn’t want to tell the truth, ginaganu’n-ganu’n ko lang, kasi there’s always a reason kung bakit tayo sumasawsaw.

“Ayokong magsawsaw, pero meron tayong pinanggagalingan. Whether you bash me or not, I really don’t care, but at this point, I will really tell the truth.”

Kung totoong mahal daw ni Kris ang Pilipinas at ang mga Pilipino, dapat ay prinotektahan nito ang mamamayang Pilipino “because, at that time, your brother Abnoy was in power, he was the President of the Philippines.

Giit ni Greta, “No, I’m not gonna stop. May mga nagsasabing stop, I’m not gonna stop. I am a Filipino. We all pay taxes, we all work very hard.

Pagtatapos na pahayag niya para kay Kris, “I hate to loathe (you when) you're suffering right now, because we don’t like that. We don’t like that. We don’t loathe (somebody) when somebody is suffering because that is karma. But, right now, that is what's happening.

“You know what you do, what you did out in this universe, you will reap...

“Kung ano po ang nangyayari ngayon, I mean, lahat naman tayo, may pag-iisip, pag-isipan niyo po whatever is happening to us right now.”          

As of presstime, wala pang reaksyon si Kris sa banat na ito ni Gretchen.