Karylle, clueless sa pagri-resign ni Zsa Zsa sa ‘ASAP...’

December 06, 2018
Karylle

Sa launching ng single na It’s Christmas Time nina Karylle at Jeremy Calvin ay nakorner ang TV host/singer tungkol sa nanay niyang si Zsa Zsa Padilla na hindi na kasama sa ASAP Natin ’To.

Tinanong kung nagkuwento si Zsa Zsa sa kanya.

“Siyempre naman, close kami, ’no? Hahaha! My mom always has me,” natawang sagot ni Karylle.

Dagdag pa niya, “I was listening to the first, first song I ever wrote. It says na parang, ‘We don’t have a perfect life, but I know you’ll always be there for me when my world falls’ and vice versa. It played on my Spotify kanina. Sabi ko, ‘Aba, nagpaparamdam.’ She’s my first love talaga and siya talaga ’yung naging first inspiration ko for a song, so I guess it comes back to that whatever happens.”  Ayon sa panganay ng Divine Diva, “Nothing is final, so I can’t really say anything right now. Wait-wait lang tayo.”

Hindi pa masyadong nagbigay ng karagdagang detalye  si Karylle kung sisiputin ni Zsa Zsa ang ASAP Natin ’To.

Baka naman hindi rin kasi alam ng isa sa It’s Showtime hosts na nag-resign na ang nanay niya sa Sunday show.

Anyway, sa video shoot ng It’s Christmas Time nila ni Jeremy na ginawa sa bahay ni Zsa Zsa ay hindi pansin na may problema ang ina dahil ang saya-saya raw nitong inaasikaso sila dahil ipinaghanda pa sila ng masarap na hapunan.

“Kasi she’s okay naman, she just came from Cebu she did like a crash course on farming. But she’s into that (farming) for the whole of last year so, I can’t say that she’s doing it just now. It’s something she’s really been planning as their happy place as I’ve always see them and it’s my first time to go to the farm, a couple of weeks ago.

“And super ano, ang ganda, ang saya. I’ve been reading a book then about happy older people, ’yung mga septuagenarian of Japan.  Farming is really part of that cycle, eh. I guess darating talaga tayo doon sa hinahanap natin sa buhay. Siyempre, city kids tayo, eh, pero kailangan natin ng sunshine,” paliwanag ni Karylle.

Tungkol naman sa pagpapakasal ng ina at ng fiancé nitong si Conrad Onglao, wala raw nababanggit pa kay K.

“Wala pa, hindi ko pa sila kinukulit,” tumatawang sabi ni Mrs. Yael Yuson.

Samantala, masaya si Karylle dahil natuloy na rin ang collaboration nila ng Indonesian singer na last year pa nila napag-usapan nang magkakilala sila sa dinaluhang awards night sa Singapore.

Kuwento ni K, “What I love about him, the whole artistry. He’s very young, he’s making his own music, clear, very honest. I just love the honesty and the confidence that he brings forth. It’s very fresh for me, especially to work with somebody so young. I really like learning about people also from other culture.

Ayon naman kay Jeremy, “I really enjoyed Karylle’s kind of music. But the first time I listened to It’s Christmas Time, you can feel the rawness of Karylle, like, she’s trying to deliver the message. I can relate to that kind of music ’coz I really like jazz. In Indonesia, my songs are more into pop jazz, so I can really relate to It’s Christmas Time, and I prefer Karylle singing it.”  RB