Kasal nina Aicelle at Mark matutuloy na

January 02, 2019
Aicelle Santos and Mark Zambrano
Aicelle Santos and Mark Zambrano

MUKHANG sa taong ito ng 2019 matutuloy ang kasal ng engaged couple na sina Aicelle Santos at ng broadcast journalist at dating Kapuso news reporter na si Mark Zambrano.  Hihintayin lamang siguro ng dalawa na matapos ang one-year tour sa United Kingdom ng “Miss Saigon” kung saan kabilang si Aicelle playing the role of the bar girl na si Gigi van Tranh, the same role na ginampanan ni Rachelle Ann Go sa re-run ng “Miss Saigon” sa West End in London at Broadway in New York.

Sa recent vacation trip ng magkasintahan in Switzerland, muling ni-reaffirm ni Mark ang kanyang proposal sa kanyang fiancée sa Zermatt overlooking the Matterhorn mountain.

May ilang beses na ring sinorpresa ni Mark ang kanyang nobya sa London at isang beses naman ginulat ni Aicelle ang kanyang fiancé nang ito’y umuwi ng Pilipinas unannounced tulad nung nakaraang November 23.

The couple got engaged last March 7, 2018.