Kasal nina Angel at Neil naisantabi dahil sa krisis

March 25, 2020
Angel Locsin and Neil Arce

SA panahon ng krisis tulad nitong pagkalat ng coronavirus (Covid-19) sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo,  maasahan talaga ang tulong ang actress-philanthropist na si Angel Locsin.

Si Angel ay nanguna ng pagpapatayo ng mga temporary airconditioned tents sa grounds ng mga pagamutan kung saan pansamantalang tutuloy ang mga medical and health workers na hindi na makauwi sa kanilang bahay dahil sa kakulangan ng transportation.

Maraming mga kasamahan si Angel  sa industriya ang agad tumugon tulad nina Anne Curis, Angelica Panganiban, Bea Alonzo na agad nagpadala ng kanilang foldable taping beds at sumunod sa kanila sina Lorna Tolentino, Ria Atayde, Paulo Avelino at iba pa.

Ang temporary sleeping tents ay disinfected at kumpleto ng mga kagamitan.

Katuwang ni Angel sa kanyang charitable projects ang fiancé na si Neil Arce.

Dahil nasa gitna ang Pilipinas at buong mundo ng krisis dala ng coronavirus, isinantabi muna nina Angel at Neil ang plano nilang pagpapakasal.