Kasal nina Richard at Sarah maaantala na naman

December 06, 2018
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

HINDI pa rin sigurado kung matutuloy ang wedding next year ng engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil sa sunud-sunod na projects ng una sa ABS-CBN.

Ngayon ay busy si Richard sa promo ng movie nila nina Vice Ganda at Dingdong Dantes, ang “Fantastica….” na kalahok sa upcoming Metro Manila Film Festival.  May bago rin siyang TV series na sisimulan under Star Creatives na pagtatambalan nila ni Bea Alonzo which will be aired next year.  Nariyan pa ang pending reunion movie project nila ni Angel Locsin under Star Cinema.

Malamang na hintayin nina Richard at Sarah na makapaglakad ang kanilang second son na si Kai para makasama ito sa kanilang wedding entourage along with their eldest, ang five-year-old na si Zion.  Kai will celebrate his 1st birthday on March 21, 2019 at magsi-six naman si Zion in April.

Nagkaroon man ng lull ang showbiz career ni Richard nang matapos ang kontrata nito sa Kapuso Network, naging sunud-sunod naman ang kanyang project sa Kapamilya since last year na sinimulan niya roon sa action-fantasy TV series na “La Luna Sangre” kung saan niya nakabituin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, magmula nang ipagbuntis at isinilang ni Sarah ang second son nila ni Richard  na si Kai ay pansamantala itong huminto sa kanyang trabaho para maging hands-on mom sa kanyang two boys and wifey kay Richard.