Kasal nina Richard at Sarah siguradong bongga

June 13, 2019
Richard Gutierrez, Sarah Lahbati with son Kai

NGAYONG mahigit isang taong gulang na ang second son na si Kai (who turned one year old last March 21) ng engaged couple na sina Richard), haharapin na ng dalawa ang kanilang nabalam na pagpapakasal (dahil sa muling pagbubuntis ni Sarah sa kanilang second son) na inaasahang mangyari sa susunod na taon.  Pero hindi pa nagbibigay ng detalye ang dalawa kung kailan at saan ito gaganapin.

Since marunong nang maglakad si Kai, malamang na may participation din ito sa forthcoming wedding ng kanyang celebrity parents ganundin ang eldest son nina Richard at Sarah na si Zion, now six years old.

Hindi pa man nagbibigay ng details ang engaged couple, siguradong grand wedding ang mangyayari na inaasahang dadaluhan ng mga kilalang personalidad sa larangan ng showbiz, pulitika at maging sa negosyo.  Siguradong hindi papayag ang ina ni Richard na si Annabelle Rama na hindi maging bongga ang kasal ng anak.

Samantala, magiging abala si Richard sa kanyang upcoming TV series with ABS-CBN, ang “Iron Heart” na pagtatambalan nila for the very first time ni Bea Alonzo.

Ang bagong teleserye ni Richard ay kanyang follow-up TV series sa kanyang unang  teleserye sa Kapamilya network, ang “La Luna Sangre” na pinagsamahan nila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na tumagal sa ere ng siyam na buwan from June 19, 2017 to March 2, 2018.

Wala pa ring linaw kung matutuloy pa ang napabalita noong reunion movie project nila Angel Locsin na busy naman ngayon sa kanyang top-rating primetime action-drama series na “The General’s Daughter”.