Kasal nina Sarah at Matteo, natuloy kahit tutol pa si Mommy Divine

February 21, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

NATULOY noong February 20, 2020 ang “civil  wedding“ nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli pero walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kampo ng dalawa.

Diumano, pinili nina Sarah at Matteo na magpakasal sa naturang petsa dahil sa mga numero na 02-20-2020.

Nagkaroon ng kalituhan sa araw ng pag-iisang dibdib ng dalawa dahil sumipot  pa si Sarah sa taping ng The Voice Teens noong Huwebes nang umaga kaya marami ang nag-akala na fake news ang lumabas tulad ng isang tabloid na pinabulaanan ang scoop report ng online site ng kanilang publication company.

Isang insider ang nagsabi na 4 pm nang nagmamadaling umalis si Sarah sa studio ng The Voice Teens at kinagabihan nangyari ang civil wedding nila ni Matteo.

Thirty one years old na si Sarah at 29-years old si Matteo kaya palaisipan sa karamihan ang pagtutol ng mga magulang ni Sarah na lumagay sa tahimik ang kanilang anak na nasa legal age na para bumuo ng sariling pamilya.

Reportedly, ang hindi inaasahan na pagdating ni Divine sa wedding reception nina Sarah at Matteo sa isang  five star hotel sa Bonifacio Global City ang insidente na naging dahilan kaya lalong naging kontrobersyal ang naganap na kasalan.