Kaso ni Kris vs Nicko dismissed na naman

March 14, 2019
Kris Aquino
Kris Aquino

NA-DISMISS ng Office of the City Prosecutor ng Taguig City sa ikatlong pagkakataon ang kasong qualified theft na isinampa ng actress-host at entrepreneur na si Kris Aquino (Kristina Bernanette C. Aquino) laban sa dating managing director ng kanyang production company, ang Kris Cojuangco Aquino Productions na si Nicko Falcis (Nicardo `Nicko’ Falcis).  Ito’y nilagdaan nung February 11 pero nitong March 12 lamang nakarating sa magkabilang partido.

Inirekomenda naman ng OCP na sampahan si Nicko ng estafa through misappropriation and conversion and violation of Access Devices Regulation Act.

Nauna nang na-dismiss ang kasong isinampa ni Kris laban kay Nicko sa Makati City Prosecutor’s Office at sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Si Kris ay nagsampa ng kaparehong kaso laban kay Nicko in seven cities ng Metro Manila including Makati, Pasig, Taguig, San Juan, Quezon City, Mandaluong at Manila. Tatlo rito ay na-dismiss na.

Ang kasong isinampa ni Kris ay may kinalaman sa P1.270-M na ginastos umano ni Nicko (as managing director) sa credit card ng kumpanyang pag-aari ng actress-host at humihingi siya ng danyos na P32.27-M.