Kaso ni Matteo at bodyguard ni Sarah na-Tulfo na

February 25, 2020
Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

HINAHABOL pa rin ang bagong mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli  ng kontrobersiya matapos dumulog sa programa ni Ruffy Tulfo ang close-in security aide ni Sarah na si Jerry Tamara upang ireklamo si Matteo ng pananapak umano sa kanya sa loob ng restaurant pagkatapos ng kasal nang hindi inaasahang dumating at magwala ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Hitsura umano ng isang telesrye ang naganap na komprontasyon sa pagitan nina Mommy Divine, Sarah at Matteo gayundin daw ang ama mismo  ni Matteo na si Gianluca Guidicelli sa loob mismo ng restaurant.  Para ma-pacify si Mommy Divine ay tinawagan umano ni Matteo ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na agad naman sumugod sa restaurant at kalmadong kinausap si Mommy Divine.

Nakaalis na umano sina Sarah at Matteo maging ang pamilya ni Matteo at ilang bisita nang dumating naman ang ama ni Sarah na si Daddy Delfin.

It will take sometime bago maayos ang gusot sa pagitan ng parents ni Sarah at ng bagong mag-asawang Sarah at Matteo.

Samantala, nag-report na si Sarah sa taping ng “The Voice Teens”last Monday at malamang na ito’y mapanood din sa “ASAP Natin `To” sa Linggo.

Hangad pa rin ng mga taong malalapit kina Sarah at Matteo na maging masaya ang kanilang pagsasama at umaasa rin sila na maaayos din ang gusot sa pagitan nila at ng parents ni Sarah.