KathNiel, paghihiwalayin nina Piolo at Direk Joyce

January 30, 2019
KathNiel

Nadulas sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal ng Spring Films na may ipini-pitch silang project for Kathryn Bernado titled A Short History of Parking Lots.

Pero nang matanong kung kasama ba sa movie si Daniel Padilla, sey nila, hindi at may iba raw silang project na nakalaan para sa aktor.

Ibig sabihin, paghihiwalayin nila ang KathNiel.

Ang natatawa namang sabi ni Piolo tungkol dito, “Wala akong kinalaman do’n.”

Pero siyempre, ito naman daw ay kung tatanggapin ni Kathryn.

“’Pag nagustuhan niya po,” sambit ni Direk Joyce.

Ang nasabing pelikula ay included sa line-up ng Spring Films for this year, along with nine others starting off with Ogie Alcasid’s Kuya Wes.

Ang iba pang pelikula ay Sunshine Family, I’m Ellenya L., Hayop Ka, UP Project, Istariray is Born, Puppy Love, Marawi, The Bouncer, Ang Araw ng Itim na Nazareno at Post Angst.

Sampung pelikula in all this year bilang selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng Spring Films.

Sa mga pelikulang ito, tatlo ang pagbibidahan ni Papa P -- Post Angst, Ang Araw ng Itim na Nazareno at Puppy Love. Kasama rin siya sa Marawi.

Hindi rin akalain ni Piolo na magiging successful ang Spring Films dahil nang simulan daw nila ang produksyon ay gusto lang nila talagang i-launch si Eugene Domingo sa pamamagitan ng solo film na Kimmy Dora.

“And then, may lumapit sa amin for Kita Kita (na pinagbidahan nina Empoy Marquez and Alessandra de Rossi), we grabbed the chance, and we never thought that it’s gonna be a monster hit,” saad ni Piolo.

Umabot sa mahigit P400M ang gross ng Kita Kita at aminado sina Piolo and Joyce na ito raw ang mas lalong nagbigay pa ng inspirasyon sa kanila to do more films.

Pero sey nga ni Direk Joyce, wala naman silang pera at kung sino pa raw ang gustong makipag-co-produce, open sila.