Kathryn, Alden overwhelmed sa record-breaking team up

September 04, 2019
Kathryn Bernardo & Alden Richards

AS of September 3, 2019, pumalo na sa P880,603,490 ang pelikulang unang pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

The movie which is still doing the rounds of international screenings is most likely to surpass the record-breaking movie “The Hows of Us” na pinagtambalan nina Kathryn at Daniel Padilla at pinamahalaan  din ni Direk Cathy sa ilalim ng Star Cinema.  Ang THOU ay pumalo sa takilya (including international screenings) ng P915-M making it the highest Filipino  grossing film of all time. (In an ABS-CBN news runner, sinasabing nalagpasan na nito ang THOU.)

Last Monday ay nag-host ang Star Cinema ng thanksgiving party para sa cast at production staff ng “Hello, Love, Goodbye” na dinaluhan din nina Direk Cathy at lead stars na sina Kathryn at Alden and the rest of the cast.

Hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin ang pakiramdam nina Kathryn at Alden maging ni Direk Cathy because they’re making another history sa pamamagitan ng HLG.  It is not far-fetched na muling magtambal in the future sina Kathryn at Alden at malamang si Direk Cathy pa rin ang mag-direk at Star Cinema pa rin ang producer.