Home>Entertainment>Showbiz>Kathryn at Julia ‘di natinag ang pagkakaibigan

Kathryn at Julia ‘di natinag ang pagkakaibigan

Kathryn Bernardo and Julia Montes

ANG pagkakaibigan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes ay nagsimula pa sa panahon ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” kung saan ang dalawa nagsimula as child stars. When they were already in their teens ay muling nagsama ang dalawa sa TV remake ng “Mara Clara” na unang pinagbidahan nung 1992 to 1997 ng magkaibigang Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Ang TV remake ng “Mara Clara” ay ginawa nina Kathryn at Julia in 2010 na tumagal hanggang 2011. Sa nasabing serye ay nakasama nila ang isa pa nilang close friend na si Dimples Romana.

Kathryn Bernardo and Julia Montes

Kapag ikinasal balang araw si Kathryn (kay Daniel Padilla), tiyak na may papel sa wedding entourage sina Julia at Dimples at gayundin si Julia kapag siya naman ang ikinasal (kay Coco Martin?).

Kamakailan lamang ay muling nag-get-together ang tatlo kasama ang writer ng “Mara Clara” na si Danica Mae Domingo.

Sina Kathryn at Julia ay parehong 25 years old turning 26 this March. March 19 si Julia at 26 naman si Kathryn, seven days apart habang si Dimples naman ang tumatayo nilang ate at 36.

Isabelle sumulat ng libro tungkol sa yaya

Isabelle Daza

THIRTY-two year-old actress-host and book author Isabelle Daza wrote a children’s book inspired and dedicated to her longtime yaya (nanny) na si Yaya Luning.

Ayon sa Instagram post ng actress “The nanny has a place in child’s heart. One that does not compete with a parent.”

“This is also to remind parents that yayas need some love and care as well,” patuloy ni Isabelle.

Ang librong sinulat ni Isabelle ay magbibigay din ng dignidad sa mga yaya na nagsasakripisyo para alagaan ang ibang bata.

Ang actress, host at book author ay may two-year-old son na si Baltie (Balthazar Gabriel Daza Semblat) sa kanyang French businessman husband na si Adrien Semblat habang ipinagbubuntis niya ngayon ang kanilang magiging second baby.

Bago pumasok sa showbiz, si Isabelle ay nagtapos ng Early Childhood Education sa De la Salle University.

Pepe may-asawa’t anak na nang maging leading man

Pepe Herrera

SINGER, stage-TV and film actor Pepe Herrera shot to fame nang siya’y maging bahagi ng hit musical play na “Rak of Aegis” at ang top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si Benny pero umalis siya sa serye in 2017.

Si Pepe ay huling napanood sa TV series na “The Killer Bride” at kasalukuyang playing leading man to singer-actress-host Toni Gonzaga sa local remake ng South Korean hit movie na “My Sassy Girl” produced by Toni herself under her own TinCan Productions.

Ang singer-actor na nagtapos ng Conservatory of Music sa University of Sto. Tomas ay isa nang ganap na ama sa kanyang 7-month-old daughter sa kanyang non-showbiz partner na si Sarah Mallari na isinilang nung nakaraang June 2020.

Yamyam negosyante na

AYON sa 27-year-old Boholano at ex “PBB:Otso” big winner na si William `Yamyam’ Gucong-turned actor-comedian, nag-iba umano ang takbo ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya (sa Bohol) nang mapabilang siya among the adult housemates ng “Pinoy Big Brother: Otso” at siya ang tanghaling Big Winner in 2019. Sa loob at labas ng bahay ni Kuya ay naging close friend niya ang nging kasamahan niyang Japanese housemate na si Fumiya Sangkai.

Ayon kay Yamyam, ang kahirapan ng kanyang pamilya ang nagbunsod sa kanya para mag-audition sa popular reality show ng ABS-CBN.

Out of his cash prize money na P2-M, nabili ni Yamyam ang lupa na sinasaka ng kanyang mga magulang sa Bohol at nakapagpatayo na rin siya ng negosyo para sa kanyang pamilya, ang Yamito’s Bakeshop na may dalawa nang branches ngayon. Ang unang branch ay kanyang binuksan sa kanyang hometown sa Inabanga, Bohol nung December 8, 2019 na kanyang itinaon sa kanyang 26th birthday habang ang kanyang second branch (sa Ubay, Bohol) ay nagbukas naman nung March 8, 2020, bago ang lockdown.

Ang dalawang branch ay pinamamahalaan ng mga kapatid ni Yamyam.

Nadine dapat makipag-ayos na sa Viva

Nadine Lustre
Nadine Lustre

MARAMI ang nagsasabi na hindi na dapat pairalin ng singer-actress and celebrity endorser na si Nadine Lustre ang kanyang pride at makipag-ayos na siya sa Viva na siyang sumugal sa kanya para marating niya ang status niya ngayon.

Si Nadine ay may existing contract pa with Viva Artists Agency (VAA), her home studio nang mag-desisyon siyang magsarili not her knowing the legal complications ng kanyang management contract with Viva.

Dahil may mga project na tinanggap si Nadine nang direkta without letting Viva know, nagsampa ng kaso ang kumpanya laban sa kanya kaya at standstill ang kanyang career ngayon.

Samantala, sa isang panayam, inamin ng singer-actress and celebrity endorser na kung dati-rati’y gusto niyang magkaroon ng dalawang anak, ngayon ay mas gugustuhin na lamang daw niya ang mag-adopt.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger