Kathryn bakit kinaiinggitan?

October 14, 2019
Kathryn Bernardo

KATHRYN Bernardo is now the envy of many a celebrity.

Sino ba naman ang hindi maiinggit sa achievements ng young actress? Siya lang naman ang tanging aktres na nakapagtala ng record na dalawang pelikulang umabot sa P900 million ang kinita sa takilya. After her monster-hit movie "The Hows of Us" with reel and real sweetheart Daniel Padilla, she duplicated such feat with her blockbuster movie with Alden Richards, "Hello, Love, Goodbye" Both were directed by Cathy Garcia-Molina.

So, what's her secret? Hindi naman siya ang "world's most beautiful woman" dahil tatak na ito ni Liza Soberano. Hindi naman niya kasinggaling kumanta si Nadine Lustre. Both Liza and Nadine are her rivals as their respective love teams are today's hottest and most popular.

Bukod sa talent at hardwork, kakambal ni Kathryn ang swerte. Kaya naman patuloy ang pamamayagpag ng kanyang career. Nasa timing lang 'yan. Panahon ngayon ni Kathryn. Let her enjoy the fruits of her hardwork. She deserves it.

Seemingly, this what makes Nadine's father Ulysses green with envy. Admit it or not, his cryptic post on Facebook alludes to Kathryn's success. It reads:

"I'm Flop and you're High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you're desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around." Matapos ma-bash, binura din niya lahat ang kanyang post patungkol dito. And in latest FB post, he belied this already saying that it was just his personal opinion and  was "not pertaining to anybody in particular."

Ito ang nakakainis minsan sa mga magulang ng mga artista na nakikisawsaw nang wala sa lugar. Kung totoong patutsada ito kay Kathryn, may ginawa bang masama si Kath sa kanyang anak para pag-initan niya ito? Just asking...

Disclaimer:
For reactions, please call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo