Kathryn, Daniel wala pang balak pakasal

February 09, 2020
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

EXCITED  sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang nalalapit na pagsisimula ng bagong TV series na may pamagat na “Tanging Mahal” (tentative title) na magkakaroon ng shoot sa Mexico.  Ito’y pamamahalaan ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

March 2018 pa nagtapos ang kanilang “La Luna Sangre” na siya ring first TV series ni Richard Gutierrez bilang Kapamilya actor.

Walang ginawang TV series at pelikula sinaKathryna at Daniel in 2019 na magkasama kaya hindi lamang silang dalawa ang excited sa pagsisimula ng bagong serye kundi ang kanilang fans.

Bukod sa bagong TV series, may gagawin ding pelikula ang KathNiel sa taong ito.

Samantala, kahit matagal na ang relasyon nina Kathryn at Daniel, wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal. After all, 23 pa lamang si Kathryn at 24 namansi Daniel.

Ang maganda ay patuloy nilang ini-enjoy ang kanilang relasyon bilang magkasintahan and business partners.