Kathryn ’di inaasahan ang tagumpay sa negosyo

June 18, 2019
Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

TWENTY-three-year-old Kapamilya young star Kathryn Bernardo is not only a top TV and movie personality and an in-demand celebrity endorser kundi isa rin siyang successful entrepreneur.  

Hindi inaasahan ng nobya ng matinee idol na si Daniel Padilla na magiging tagumpay ang kanyang itinatayong sariling brand and shop ng Kathnails by KCMB na nagsimula noong May 2017 sa SM The Block North EDSA. Ngayon, meron na itong five branches and more to come.

Si Kathryn ang tumatayong CEO (chief executive officer) ng kanyang business na pinatatakbo niya sa tulong ng kanyang pamilya – her parents na sina Luzviminda at Teodore Bernardo at mga kapatid na sina Kevin at Kaye Chrysler.  

Bukod sa magandang takbo ng negosyo ni Kathryn, natutuwa rin siya dahil marami siyang napapasayang customers at nabibigyan ng maraming trabaho.

Samantala, katatapos lang niyang gawin ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” her first team-up with Kapuso phenomenal actor, Alden Richards na dinirek ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema.  The movie is earmarked for a July 31 showing.